^

Bansa

Pagtakbong bise sa 2016 tinuldukan na ni MVP

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tuluyan nang tinuldukan ng nagos­yanteng si Manny V. Pangilinan ang bulung-bulungan na tatakbo ito sa mataas na posisyon sa gobyerno sa 2016.

Ayon kay Pangilinan, hindi niya binuksan ang sarili sa pulitika at pabiro pa nitong sinabi na ang tanging naiisip niya sa pagtakbo ay marathon.

Ginawa ni MVP ang pahayag matapos itong magtungo sa Kamara kasama ang buong Gilas team kung saan sila binigyan ng parangal ni House Speaker Feliciano Belmonte dahil sa ipinakitang husay ng koponan sa FIBA World Cup.

Iginiit pa ni Pangilinan na ang pagi­ging mahusay sa negosyo ay hindi na­ngangahulugan na magiging magaling din sa pamumuno sa isang bansa.

Matatandaan na inamin ni Vice President Jejomar Binay kamakailan na kinausap niya si MVP para maging bise niya sa 2016. Kinumpirma naman ni MVP ang pag-uusap nila ni Binay subalit tumanggi itong isiwalat ang kanilang napag-usapan dahil private talk umano ito.

Kasabay nito, inihayag naman ni Pangilinan na wino-workout na nila na gawin sa Pilipinas ang susunod na FIBA World Cup sa 2019. Kaya naman na raw umano  ng Pilipinas na mag-host ng ganitong klase ng event.

vuukle comment

AYON

BINAY

GINAWA

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE

MANNY V

PANGILINAN

PILIPINAS

VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY

WORLD CUP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with