'Luis' nasa Pinas na, inaasahang lalakas pa
MANILA, Philippines — Nakapasok na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong “Luis” habang papalapit ito sa Luzon, ayon sa state weather bureau ngayong Biyernes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 780 kilometro silangan ng Virac, Catanduanes kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ni Luis ang lakas na 26 kilometers per hour at bugsong aabot sa 55 kph, dagdag ng PAGASA.
BASAHIN: Bagyong 'Luis' papasok sa Pinas bukas
Tinatayang aabutin ng tatlong araw ang pang-12 bagyo ngayong taon bago humampas sa kalupaan.
"Luis is expected to be at 480 km east of Casiguran, Aurora by tomorrow morning (Saturday) and at 180 km northeast of Casiguran, Aurora by Sunday morning," pahayag ni PAGASA weather forecaster Meno Mendoz.
"By Monday morning, it is expected to be 70 km west northwest of Laoag City.”
Magiging maulap ang kalangitan ng Visayas, Mindanao at Bicol Region na may pulu-pulong pag-ulan na may pagkulog at pagkidlat.
Makararanas naman ng bahayang maulap hanggang sa maulap ang kalangitan ang nalaabing bahagi ng bansa.
Tatlo hanggang apat na bagyo ang inaasahan ng PAGASA na papasok sa Pinas ngayong buwan.
- Latest