Bagyong 'Luis' papasok sa Pinas bukas
MANILA, Philippines — Isang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, ayon sa state weather bureau ngayong Huwebes.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa 1,400 kilometro silangan ng Visayas kaninang alas-10 ng umaga.
Taglay ng bagyo ang lakas na 45 kilometers per hour, dagdag ng PAGASA.
Opisyal na pangangalanang “Luis” ang bagyo oras na pumasok ito sa PAR.
Samantala, ayon sa United States Navy's Joint Typhoon Warning Center maaaring umabot sa 185 kph ang lakas at bugsong aabot sa 231 kph kapag dumaan ito sa Luzon, kabilang ang Metro Manila, sa Lunes.
- Latest