^

Bansa

Suplay ng tubig sa MM kukulangin sa 2015

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kukulangin sa suplay ng tubig ang Metro Manila sa 2015.

Ito ang babala ng water concessionaires na Maynilad Water Services Inc. at Manila Water Company Inc. kung magpapatuloy na magpalabas ng tubig ang Angat Dam sa mga irigasyon sa Bulacan at Pampanga sa kabila na mababa ang water level ng naturang dam sa ngayon.

Ayon sa Maynilad, may halos 2 milyong katao ang makakaranas ng kawalan o mahinang suplay ng tubig sa susunod na taon kung magpapatuloy ang ganitong sitwasyon.

Gayunman, kinalma ng National Irrigation Administration (NIA) ang naturang mga water concessionaires dahil magkakaroon pa naman ng mga pag-uulan hanggang Nobyembre na magbubunsod ng pagtaas ng water level ng Angat dam kaya walang dapat ipangamba ang mga ito.

Pinayagan ng National Water Resources Board (NWRB) na maglaan ang NIA ng patubig sa mga irigasyon hanggang sa katapusan ng Agosto pero dahil sa patuloy na pagkakaroon ngayon ng malakas na pag-ulan ay inihinto na ng NIA ang paglalaan ng patubig sa mga sakahan sa Bulacan at Pampanga.

Sinabi rin ng NWRB na ispekulasyon lamang ang pahayag ng Manila Water at Maynilad na kukulangin ng suplay ng tubig at mas mainam na sabihin ng mga water concessionaires na magtipid na lamang sa paggamit ng tubig ang taumbayan.

Umaabot sa 70 percent ng suplay ng malinis na tubig sa Metro Manila ay mula sa Angat dam at ang iba ay para sa patubig sa mga sakahan sa Pampanga at Bulacan.

vuukle comment

ANGAT

ANGAT DAM

BULACAN

MANILA WATER

MANILA WATER COMPANY INC

MAYNILAD

METRO MANILA

PAMPANGA

WATER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with