^

Bansa

31st death anniversary ni Ninoy gugunitain

Butch Quejada, Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gugunitain ng pamilya Aquino ang ika-31 death anniversary ni Sen. Ninoy Aquino sa isang simpleng misa sa puntod nito sa Manila Memorial Park.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, may panawagan din ang Malacañang sa taumbayan na gunitain ang kamatayan ng martyr na si Ninoy sa araw na ito.

Aniya, wala namang makakalimot sa na­ging kontribusyon ni Sen. Ninoy sa bawat Filipino ng ialay nito ang kanyang buhay para sa demokrasya.

Inaasahang dadalo si Pangulong Aquino kasama ang kanyang mga kapatid, kaanak at kaibigan sa misang isasagawa sa puntod ni Ninoy ngayong umaga.

Samantala, gugunitain din ngayong umaga sa NAIA terminal 1 ang  death anniversary ni Ninoy.

Sinabi ni Connie Bu­ngad, tagapagsalita ng Manila International Airport Authority (MIAA), bandang alas -7:45 hanggang alas - 8:00 ng uma­ga may flower offering na gagawin sa may departure level ng paliparan na susundan din ng isang misa.

Inaasahan darating sa NAIA ang mga kamag-anak at mga miyembro ng August Twenty One Movement o ATOM.

vuukle comment

ANIYA

AUGUST TWENTY ONE MOVEMENT

CONNIE BU

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY

MANILA MEMORIAL PARK

NINOY

NINOY AQUINO

PANGULONG AQUINO

PRESIDENTIAL SPOKESMAN EDWIN LACIERDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with