^

Bansa

‘Palaboy’ lasog sa taxi

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang dalagita na umano’y may kapansanan sa pag-iisip ang nasawi makaraang masagasaan ng isang taxi habang ito ay naglalaro at humihiga sa isang kalye sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 3, ang biktima na hindi pa nakikilala ay nakasuot  ng t-shirt at short pants.  Nasa kustodya naman ng pulisya ang nakasagasang driver ng taxi na may tatak na “Dollar” na si Jose Delos Santos, 52,  ng Pasig, Candaba Pampanga.

Nangyari ang insidente sa may kahabaan ng V. Luna Road, corner Matatag st., Brgy. Pinyahan, ganap na alas 4:45 ng umaga.

Ayon kay PO3 Henry Sunga, binabaybay umano ng taxi ang kahabaan ng V. Luna galing ng Malakas St., patungong Cubao nang pagsapit sa nasabing kalye ay nasagasaan nito ang biktima.

Sabi ng barangay, madalas umanong makita ang biktima na pagala-gala sa lugar na kung minsan ay nanghihingi ng limos sa mga nagdaraang pedestrian.

Samantala, katwiran ni Delos Santos, hindi umano niya napansin ang biktima kung kaya nagtuloy ang pag-arangkada niya. Inakala rin anya niyang damit o basura lang ito na nasa kalye, pero nang may kumalabog sa kanyang taksi ay saka siya huminto hanggang sa mabatid na nadale pala niya ito.

Patuloy ang imbestigasyon sa nasabing insidente habang ang bangkay ng biktima ay nasa pangangalaga ngayon ng Prime Funeral  Homes para sa kaukulang otopsiya.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CANDABA PAMPANGA

DELOS SANTOS

HENRY SUNGA

JOSE DELOS SANTOS

LUNA ROAD

MALAKAS ST.

PRIME FUNERAL

QUEZON CITY POLICE TRAFFIC SECTOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with