^

Bansa

SC nagpaliwanag sa savings

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilinaw ng Korte Suprema na binawi nila ang hiling sa Department of Budget and Management (DBM) na aprubahan ang paglilipat ng P100-M na orihinal na inilaan para sa Manila Hall of Justice para pondohan ang konstruksyon ng Malabon Hall of Justice.

Sa January 21, 2014 Resolution ng Supreme Court En Banc, inaprubahan ang rekomendasyon ni Associate Justice Presbitero Velasco na bawiin ang kanilang kahilingan sa DBM.

Nabatid na lumiham si Chief Justice Maria Lourdes Sereno kay Budget Sec. Butch Abad na nagpapabatid na inaatras na ng Korte Suprema ang kanilang naunang kahilingan at hiniling din na ang pondo ay manatili sa DOJ-Justice System Infrastructure Program para sa konstruksyon ng Malabon Hall of Justice.

Pero sa isang liham, nag-alok si Abad ng pondo mula sa savings noong 2013. Nakasaad din sa January 21, 2014 Resolution na tinanggihan ng Korte ang alok ni Abad na gamitin ng SC ang pooled savings nito.

Ang alok ay ginawa ng DBM makaraang tanggihan ang hiling ng Korte na palawigin ang P100 million na alokasyon para sa Manila Hall of Justice hanggang Dec. 31, 2014.  Noong mga panahong iyon, dinidinig na ng Korte Suprema ang mga petisyong kumukwestyon sa legalidad ng DAP kaya tinanggihan nito ang alok ni Abad. Inilabas ng Korte ang paglilinaw matapos ang panibagong banat ni Pangulong Aquino kontra sa Hudikatura.

 

vuukle comment

ABAD

ASSOCIATE JUSTICE PRESBITERO VELASCO

BUDGET SEC

BUTCH ABAD

CHIEF JUSTICE MARIA LOURDES SERENO

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

KORTE

KORTE SUPREMA

MALABON HALL OF JUSTICE

MANILA HALL OF JUSTICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with