LPA sa Eastern Samar binabantayan
MANILA, Philippines — Isang low pressure area (LPA) sa Eastern Samar ang binabantayan ngayon ng state weather bureau.
Namataan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang sama ng panahon sa 800 kilometro silangan ng bayan ng Guiuan.
Pangangalanang "Inday" ang LPA kapag naging tuluyang bagyo ito, ang pang-siyam ngayong taon.
Samantala, patuloy ang pag-iral ng hanging Habagat sa Luzon.
Makararanas ng paminsan-minsang ulan ang Metro Manila, Cavite, Batangas, Ilocos region, Cordillera Administrative Region at MIMAROPA
Asahan naman ang kalat-kalat na pag-ulan sa nalalabing bahagi ng bansa.
- Latest