^

Bansa

Sa DAP issue ‘Impeach P-Noy’ inendorso

Butch Quejada at Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pormal nang inihain sa Kamara at inindorso ng ilan sa mga miyembro ng Makabayan bloc ang kauna-unahang verified impeachment complaint laban kay Pangulong Noynoy Aquino III.

Ang verified impeachment complaint ay pinirmahan ng 27 petitioners na pawang mga nakasuot ng itim na ribbon na nakatali sa kanilang mga braso sa tanggapan ni House Secretary General Marilyn Baruja-Yap.

Ilan sa 27 petitioners na kasamang lumagda at nagtulak ng impeachment complaint ay sina retired Lingayen-Dagupan Archbishop Oscar Cruz, Bayan Sec. Gen. Renato Reyes, dating Gabriela Rep. Lisa Masa, dating Bayan Muna Rep. Satur Ocampo, Whistleblowers Association of the Philippines Pres. Sandra Cam, Juana Change, at dating Anakpawis Rep. Rafael Mariano.

Kabilang naman sa mga nag-endorso nito ay sina Bayan Muna Reps. Neri Colmenares, Isagani Zarate at Anakpawis Rep. Fernando Hicap.

Base sa 80 pahina na reklamo nakasaad dito ang mga grounds tulad ng culpable violation of the Cons­titution dahil sa umano’y panghihimasok sa ‘power of the purse’ ng kongreso at ang pagmamaliit nito sa principles of separation of powers ng mga sangay ng gobyerno gayundin ang sistema ng checks and balances sa pamahalaan.

Bukod dito, hindi rin umano maaaring gawing palusot o dahilan ng Pangulong Aquino ang regularidad o good faith para idepensa ang Disbursement Acceleration Program (DAP) na idineklarang labag sa batas ng Korte Suprema.

Iginiit pa ng mga petitioners na imposibleng hindi alam ng Pangulo ang implikasyon ng kanyang mga hakbang sa DAP dahil sa 12 taon karanasan nito bilang mambabatas bago pa maluklok bilang Pangulo ng bansa.

Hindi rin umano magagamit na panangga ni Aquino ang isinasaad ng revised administrative code para i-justify ang legalidad ng DAP dahil hindi ito katanggap tanggap sa saligang batas na siyang kinikilalang supreme law ng bansa.

Kinontra din ng mga petitioners ang nais umanong ipamukha ni Pangulong Aquino na na­ging kapakipakinabang sa ekonomiya ng bansa ang DAP dahil napatunayan na itong mali ng mga isinagawang pag aaral at lumalabas pa na bahagi ng presidential pork ang pondo ng naturang programa.

Samantala, sinabi naman ni Yap, na hihintayin na lamang nilang makumpleto ang pirma ng complainants sa reklamo dahil si Fr. Benjamin Alforque na lamang ang hindi nakakapirma sa complainant saka ito idederetso sa tanggapan ni House Speaker Feliciano Belmonte Jr.

vuukle comment

ANAKPAWIS REP

BAYAN MUNA REP

BAYAN MUNA REPS

BAYAN SEC

BENJAMIN ALFORQUE

DISBURSEMENT ACCELERATION PROGRAM

FERNANDO HICAP

PANGULONG AQUINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with