^

Bansa

Pacman bibisita kay PNoy

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magtutungo ngayon sa Malacañang si pambansang kamao at Sarangani Rep. Manny Pacquiao para sa kanyang courtesy call kay Pangulong Aquino.

Ala-1 ngayong hapon dadalaw si Rep. Pacquiao sa Palasyo matapos ang kanyang matagumpay na panalo laban kay Timothy Bradley Jr. at mabawi ang WBO welterweight championship belt makaraang talunin sa pamamagitan ng unanimous decision si Bradley sa Las Vegas, Nevada noong nakaraang Linggo.

Tatanggapin ng Pangulo si Pacquiao sa courtesy call nito sa Music room ng Malacañang.

Magugunitang nitong Biyernes Santo lamang dumating sa bansa ang pambansang kamao at dumiretso ito sa General Santos City at Sarangani kung saan ay binigyan siya ng heroes welcome matapos ang kanyang tagumpay sa laban kay Bradley.

 

vuukle comment

BIYERNES SANTO

BRADLEY

GENERAL SANTOS CITY

LAS VEGAS

MALACA

PACQUIAO

PANGULONG AQUINO

SARANGANI REP

TIMOTHY BRADLEY JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with