^

Bansa

24 arestado sa illegal na paputok, 12 na biktima ng stray bullets

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 24 katao ang naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa pinalakas na kampanya sa Oplan Iwas Paputok/ Disgrasya habang 12 na ang nabiktima ng ligaw na bala kaugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon.

Ayon kay PNP Spokesman Sr. Supt. Wilben Mayor, mula sa 11 ay nadagdagan pa ng isa ang mga biktima ng ligaw na bala. Kabilang dito ay apat sa National Capital Region, dalawa sa Region IV A, isa sa Region V, dalawa sa Region VI, dalawa sa Region XII at isa sa Cordillera mula Disyembre 16 hanggang sa kasalukuyan.

Sinabi ni Mayor sa 24 kataong naaresto, 16 ay dahilan sa pagbebenta ng ipinagbabawal o mga delikado at mapanganib na paputok habang ang iba ay sanhi ng indiscriminate firing.

Sa 85 insidente ng mga nasugatan na inireport sa PNP, 44 dito ay sanhi ng malalakas na uri ng paputok habang tatlo ay sanhi ng hindi awtorisadong pagpapa­putok ng baril. 

Nabatid sa opisyal na higit na mataas ang bilang ng DOH dahil dinadala ang mga biktimang nasugatan sa mga paputok sa mga hospital at hindi lahat ng insidente ay inirereport sa PNP.

Inihayag ni Mayor nakasamsam rin ang PNP ng 7, 431 illegal na papu­tok na nagkakahalaga ng P1.26 M. Kabilang dito ay ang pinausong Super Yolanda, Goodbye Napoles at My Husband’s Lover.

Samantala, isa naman ang nasawi sanhi ng sunog na nagmula sa paggamit ng paputok.

vuukle comment

BAGONG TAON

GOODBYE NAPOLES

KABILANG

MY HUSBAND

NATIONAL CAPITAL REGION

OPLAN IWAS PAPUTOK

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

REGION V

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with