^

Bansa

‘Holiday burial’ sa Tacloban, itutuloy

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiniyak ng Department of Health (DoH) at National Bureau of Investigation (NBI) na babalik sila sa Tacloban, Leyte kahit holiday para ipagpatuloy ang proseso ng paglilibing sa mga bangkay na biktima ng bagyong Yolanda.

Nasa 1,400 bangkay pa ang hindi naililibing sa Tacloban kung saan ini­rereklamo ng mga lokal na residente dahil sa sobra na ang sangsang ng amoy na pinagpipiyestahan ng mga langaw.

Sa panayam ng isang radio station kay Health Sec. Enrique Ona, sinabi nitong napag-usapan na nila ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez, ma­ging ng mga kinatawan ng NBI na ipagpapatuloy ang paglibing ng mga bangkay.

Dahil sa holiday break, sa Enero 6, 2014 pa sana babalik ang grupo ng NBI at DoH ngunit ayon kay Ona babalik na ang mga ito ngayon sa Tacloban upang ipagpatuloy ang proseso ng paglilibing.

Bunsod nito walang holiday ang grupo. 

Nilinaw ng kalihim na naantala ang paglibing ng libo-libong mga bangkay dahil kailangan pa nilang idaan sa tamang pro­seso tulad ng identification upang makilala sakaling hanapin ng kanilang mga kaanak.

Batay sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) umabot na sa 6,155 ang kumpirmadong nasawi sa bagyong Yolanda.

Kamakalawa ay pinuntahan ng grupo ang lugar kung saan nakasalansan at nakahambalang pa rin ang mga cadavers at napansing walang mga otoridad na nagsasagawa ng proseso.

Una na ring nagreklamo ang mga residente dahil nagkakasakit na ang marami sa kanilang mga kababayan habang ang iba naman ay minabuti na lamang na umalis muna sa lugar.

vuukle comment

DEPARTMENT OF HEALTH

ENRIQUE ONA

HEALTH SEC

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

TACLOBAN

TACLOBAN CITY MAYOR ALFRED ROMUALDEZ

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with