^

Bansa

Oil price hike pasalubong sa Bagong Taon

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Panibagong pasakit sa mga motorista ang isinalubong ng mga kumpanya ng langis sa Bagong Taon sa pagtataas sa presyo ng kanilang produktong petrolyo kahapon ng umaga.

Pinangunahan ng mga kumpanyang Pilipinas Shell, Petron Corp. at Chevron Philippines ang pagtataas dakong alas-6 kahapon ng umaga na sinundan naman ng Total.

Magkakahalintulad na presyo ang itinaas ng naturang mga kumpanya, P1.15 kada litro sa premium at unleaded gasoline; P.75 kada litro sa diesel at P.60 sa kada litro ng kerosene.

Sa presyuhan sa mga gasolinahan sa Quezon City, ang dating P54.80 kada litro sa premium gasoline ay umakyat na sa P55.95; ang dating P52.80 kada litro sa unleaded gasoline ay pumalo sa P53.95 habang ang dating P54.20 sa kerosene ay umakyat na rin sa P54.80 at ang dating P44.95 kada litro sa diesel ay nasa P45.70 kada litro na ngayon.

Huling nagpatupad ng pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo noong bisperas ng Pasko, Disyembre 24. Nasa P.10 sentimos kada litro ang itinaas sa diesel habang nagrolbak ng katiting na P.15 kada litro sa kerosene.

vuukle comment

BAGONG TAON

CHEVRON PHILIPPINES

DISYEMBRE

HULING

KADA

LITRO

NASA P

PETRON CORP

PILIPINAS SHELL

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with