^

Bansa

Sa solons na dawit sa pork Walang VIP treatment - SB

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tiwala si House Speaker Feliciano Belmonte Jr. na wala ng idadawit na kasalukuyang kongresista si Janet Lim-Napoles sa pagharap nito sa isasagawang imbestigasyon ng Senado ngayong araw kaugnay sa pork barrel scam.

Umaasa rin si Speaker Belmonte na ilalahad ni Napoles ang lahat ng kanyang nalalaman tungkol sa nasabing anomalya subalit hindi na rin umano nakakagulat kung i-invoke nito ang “right to self crimination”.

Subalit kung mayroon man umanong idawit sa ikalawang batch ng pork scam si Napoles na kongresista na miyembro ng 15th at 16th Congress ay bibigyan nila ito ng due process at hindi bibigyan ng special treatment.

Sa kabila nito siniguro pa rin ni Belmonte na walang miyembro ng 16th congress ang sangkot dito maliban na lamang kung ito ang natitira mula sa 14th Congress.

Iginiit naman ng Speaker na delikado ang suhestiyon na bigyan ng immunity si Napoles upang mahikayat ito na ibunyag ang lahat ng kanyang nalalaman dahil isa ito sa pinakamalaking political scam at dangerous precedent para sa Senado na magbigay ng immunity.

vuukle comment

BELMONTE

HOUSE SPEAKER FELICIANO BELMONTE JR.

IGINIIT

JANET LIM-NAPOLES

NAPOLES

SENADO

SPEAKER BELMONTE

SUBALIT

TIWALA

UMAASA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with