^

Bansa

Ombudsman kay Drilon: Bahala kang magdesisyon

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinapaubaya ni Om­budsman Conchita Carpio-Morales kay Se­nate President Franklin Drilon ang pagdedesis­yon tungkol sa pagpapadala ng subpoena kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturong utak ng pork barrel scam upang makadalo sa imbestigasyon ng Senado.

Sa sulat na may petsang Setyembre 30, 2013 na ipinadala ni Morales kay Drilon, sinabi nito na nasa kapasyahan na ng ma­yorya ng mga miyembro ng Senado ang nasabing bagay.

Nilinaw din ni Morales na ang nauna niyang payo kay Drilon na hindi napapanahon ang pagpapatawag kay Napoles ay hindi isang paghamon sa kapangyarihan ng  Senado.

Pero nilinaw din ni Morales na hindi niya binabago ang kanyang naunag comment na hindi napapanahon ang pagharap ni Napoles sa imbestigasyon ng Senado.

Matatandaan na sa halip na magdesisyon tungkol sa naunang kahilingan ni Sen. Teofisto Guingona III na ipa-subpoena si Napoles, sumulat si Drilon sa Ombudsman upang hingin ang opinyon tungkol sa isyu.

Ginamit na sangkalan ni Drilon ang opinyon ni Morales na huwag munang  pirmahan ang subpoena pero sumulat ulit si Guingona kay Drilon na muli namang nagpasaklolo sa Ombudsman.

Hanggang kahapon ay hindi makunan ng reaksiyon si Drilon tungkol sa sulat ni Morales na ipinauubaya na sa Senado ang pagpapalabas ng subpoena kay Napoles.

vuukle comment

CONCHITA CARPIO-MORALES

DRILON

GINAMIT

GUINGONA

JANET LIM-NAPOLES

KAY

NAPOLES

SENADO

TEOFISTO GUINGONA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with