^

Bansa

23 katao pa ang nadagdag sa death row

-
Nadagdagan pa ng dalawampu’t tatlong katao ang nakahanay ngayon sa parusang bitay makaraang mahatulan nitong nakalipas na buwan kaya umabot na sa 1,815 ang kabuuang bilang ang nasa death row, ayon kay Senate Majority Leader Loren Legarda.

Ayon kay Sen.Legarda, opisyal din ng anti-crime group na Citizen’s Drugwatch foundation, sa 23 sentensiyado ay 10 dito ang hinatulan sa kasong aggravated rape,7 sa kasong robbery with homicide at 6 naman sa kasong murder.

Kabilang sa mga ito ang apat na kalalakihan na nangholdap sa isang pampasaherong bus at napatay ang isang pulis sa Quezon City habang isang drug addict naman na nanloob at pumatay ng kanyang 75 anyos na lola ang nahatulan din ng kamatayan.

Sinabi pa ni Legarda, umabot na sa 942 ang kabuuang bilang ng mga rapist ang nasa death row habang 422 naman ang may kasong murder; 173 naman sa kidnapping; 172 naman sa robbery with homicide at 60 naman sa drug trafficking.

Wika pa ng senadora, muling binuhay ng Mataas at Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala na ibasura ang parusang kamatayan matapos na ihayag ni Pangulong Arroyo nitong nakalipas na buwan. (Ulat ni Rudy Andal)

vuukle comment

AYON

DRUGWATCH

KABILANG

KONGRESO

LEGARDA

MABABANG KAPULUNGAN

PANGULONG ARROYO

QUEZON CITY

RUDY ANDAL

SENATE MAJORITY LEADER LOREN LEGARDA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with