^

Bansa

Bahay ni Laarni alam ni Loi

-
Nilinaw kahapon ni Pangulong Joseph Estrada sa panayam ng radio station dzRH na alam ni Unang Ginang Dr. Luisa "Loi" Ejercito ang pagkakapagpatayo ng apat na apartment ng dating aktres na si Laarni Enriquez sa 900 metro kuwadradong lupang conjugal property nilang mag-asawa na nasa 8th Avenue, Barangay Socorro, Cubao, Quezon City.

Sinabi ng Pangulo na nabili niya ang naturang lupa nang hulugan noong 1988-1989 mula sa mag-asawang Mario at Letty Montenegro na dati niyang kasamahan sa industriya ng pelikula.

Ginawa ng Pangulo ang paglilinaw para pabulaanan ang ulat na ipinamigay niya umano sa isa niyang kalaguyo ang lupang rehistrado sa pangalan ng Unang Ginang.

"Pagbili ko niyan, conjugal property siyempre. Kinausap ko naman si First Lady dahil may anak ako kay Laarni. Sabi ko, ano mang mangyari sa akin, para sa mga bata iyan at hindi puwedeng ipagbili kung walang consent ng mga anak ko," sabi pa ng Pangulo.

Idiniin niya na nabili niya ang lote noong 1988-1989 at hindi noong 1996-1997. (Ulat ni Lilia A. Tolentino)

vuukle comment

BARANGAY SOCORRO

DR. LUISA

FIRST LADY

LAARNI ENRIQUEZ

LETTY MONTENEGRO

LILIA A

PANGULO

PANGULONG JOSEPH ESTRADA

QUEZON CITY

UNANG GINANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with