Banayo bumalik sa Palasyo
November 20, 2000 | 12:00am
Bumalik na sa dating trabaho si Secretary Lito Banayo bilang political affairs adviser ni Pangulong Joseph Estrada. Ito ay matapos ang masinsinang pag-uusap nila ng Pangulo sa pamamagitan ng anak nitong si Joseph Victor Ejercito.
Nagbitiw sa tungkulin si Banayo noong Nobyembre 2 dahil sa iringan nila ni Executive Secretary Ronaldo Zamora at ng kapatid nitong negosyanteng si Manuel lalo na ang hinggil sa kasong impeachment ng Pangulo.
Nagsimula muli si Banayo sa kanyang trabaho noong Biyernes ng gabi nang tulungan niya ang Pangulo sa pag-istima sa 18 assemblyman ng Autonomous Region for Muslim Mindanao sa pangunguna ni Speaker Kabilan Sema. (Ulat ni Ely Saludar)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest