^

Probinsiya

Pulis utas sa adik na nag-amok

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines -  Patay ang 49-anyos na pulis na sinasabing nakatakdang italaga sa PRO-ARMM matapos itong saksakin ng isang lalaki na lango sa droga sa Barangay Bambang, bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Naisugod pa sa Dr. Yanga Hospital ang biktima subalit hindi na umabot ng buhay ang biktimang si PO3 Danilo Gatchalian, dating nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayan ng Balagtas.

Tinutugis naman ang suspek na si Chito “Chitong Buwang”, 40, trike driver at residente rin sa naturang lugar. 

Sa imbestigasyon ni SPO1 Ferdinand Cabuhat, nag-iimpake ng mga gamit ang biktima para sa bagong assignment sa PRO-ARMM nang marinig ang sigaw ng suspek na durugista na nagwawala at armado ng patalim.

Dito na bumaba ang biktima saka sinubukang papayapain ang suspek subalit bigla siyang itinulak saka pinagsasaksak sa dibdib.

vuukle comment

PRO-ARMM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with