^

Bansa

Gina ni-reject ng CA

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Gina ni-reject ng CA
DENR Secretary Lopez

MANILA, Philippines -  Tuluyan nang ibinasura ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni DENR Secretary Gina Lopez.

Bagaman at ginawang sikreto ang botohan ng 24 miyembro at ex-officio members ng CA, lumalabas na walo ang bumoto para sa kumpirmasyon ni Lopez samantalang 16 naman ang kumontra.

Si Senator Manny Pacquiao, chair ng Senate CA Committee on environment and natural resources, ang bumasa sa plenaryo ng rekomendasyon ng komite na nagsasabing rejected o hindi nakumpirma si Lopez.

Hindi na binanggit ni Pacquiao kung ano ang naging resulta ng botohan na ginawa sa pamamagitan ng executive session.

Kinumpirma naman nina Senate Majority Lea­der Tito Sotto, Senators Joseph Victor Ejercito, Loren Legarda at Francis Pa­ngilinan na bumoto sila para kay Lopez.

Sa hiwalay na panayam sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na nagkasundo ang apat na miyembro ng LP na suportahan si Lopez pero kinapos pa rin ang kanilang boto.

Bukod kay Drilon at Pangilinan, miyembro rin ng LP sina Senators Bam Aquino at Ralph Recto.

Sinabi ni Drilon na ikinalulungkot nila na hindi nakalusot si Lopez pero ganito umano umiiral ang demokrasya.

Samantala, bukod kay Lopez, nauna ng nabigo na makalusot sa CA si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay dahil sa isyu ng kanyang citizenship.

Dahil hindi nakalusot sa CA, hindi na maaring italaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Lopez para ma­ging environment secretary.

“She cannot be reappointed because the CA rejected the appointment…This is not a perpetual disqualification of holding gov’t office, but she cannot be re-appointed as Secretary of DENR,” pahayag ni Drilon.

Hindi naman napigilan ni Lopez na maging emos­yonal ng humarap ito sa media matapos mabigong makumpirma.

Sa press conference, sinabi ni Lopez na nanghihinayang siya dahil marami silang plano para mapa­ngalagaan ang kalikasan. 

May pera aniya ang pamahalaan at DENR para magamit upang mawala ang kahirapan sa bansa.

Sinabi pa ni Lopez na kung siya ang tatanungin nais niyang si Pangulong Duterte na lamang ang susunod ng DENR Secretary.

Sinabi naman ni Senate President Koko Pimentel na kahapon din ay nagtapos na ang pamamahala ni Lopez sa DENR matapos mabigong makalusot sa CA.

vuukle comment

COMMISSION ON APPOINTMENTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with