^

PM Sports

La Salle Lady Spikers kinuha ang top spot

Pang-masa
La Salle Lady Spikers kinuha ang top spot
Nailusot ni Gyra Barroga ng La Salle ang kanyang spike laban kina Jessica Galanza at Ma. Fatima Joaquin ng Adamson.
PM photo ni Joey Mendoza

MANILA, Philippines - Nasolo ng nagdedepensang De La Salle University ang liderato matapos blangkuhin ang Adamson University, 25-13, 25-14, 25-16, para sa kanilang ikaanim na sunod na panalo sa UAAP Season 79 volleyball tournament kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Nagtala ng 13 puntos si Majoy Baron upang pangunahan ang La Salle na basagin ang kanilang pagkakatabla ng karibal na Ateneo at pagandahin sa 11-2 ang kanilang kartada.

Gumawa naman ng 12 puntos si Jemma Galanza para sa Adamson na wala pa ring panalo sa 13 laro.

Tatapusin ng Lady Spikers ang elimination round sa susunod na Sabado kontra sa Lady Eagles, habang makaka-laban ng Lady Falcons ang UE Lady Warriors sa kanilang huling laro ngayong season.

Samantala, buhay pa ang tsansa ng Far Eastern University na makapasok sa Final Four matapos talunin ang National University, 25-21, 25-21, 25-22.

Umakyat sa 7-6 ang rekord ng Lady Tamaraws katabla ang Lady Bulldogs matapos masungkit ang kanilang pangalawang sunod na panalo.

Nagsanib-puwersa sina Bernadeth Pons at Toni Rose Basas na pu-malo ng 16 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod, para pamunuan ang FEU.

Kailangan pang talu-nin ng Lady Tamaraws ang UP Lady Maroons para makapuwersa ng playoff sa No. 4 seat.

Sa men’s division, isang panalo na lamang ang kailangan ng back-to-back defending champions na Ateneo (13-0) para tumuloy sa Finals matapos tanggalin sa playoff contention ang La Salle (4-9) sa bisa ng 25-22, 25-20, 25-21 panalo, habang didiretso sa semis ang FEU (7-6) matapos manaig kontra sa UP (5-8) mula sa 25-18, 25-15, 25-16 tagumpay.

Dahil sa pagkatalo ay puwedeng masibak  ang UP sakaling manalo ang UST sa kanilang laro ng Adamson. FMLumba

vuukle comment

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with