^

Punto Mo

Negosyo sa phase out ng mga lumang jeepney

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

ISA na namang transport strike ang idinaos kahapon na nakaapekto sa commuters sa ilang siyudad sa Metro Manila kalapit lalawigan maging sa Visayas.

Kanilang inaalmahan ang phase out na inaasahang ipapatupad ng gobyerno.

Panahon na talaga para imodernisa na ang mga lumang jeepney upang makatulong sa pagbabawas ng polusyon.

Bukod dito dapat lang na mabigyan ng mas maginhawang transportasyon ang commuters na nagbabayad naman ng sapat na pamasahe.

Pero ang hindi ko lang maintindihan ay bakit ilang lider ng transport group ang nangunguna sa phase out at maliwanag na nagnenegosyo dahil inilalako ang mga bagong jeepney na nais ipalit sa mga lumang jeepney.

Malaking halaga ang maaaring kitain kung ang isang bagong jeepney ang mapipiling pamalit sa mga luma.

Dapat magkaroon ng bidding muna sa mga magbebenta ng mga bagong jeepney upang matiyak na hindi madedehado ang iba pang mga drayber at operator.

Sa bidding, maaaring mabusisi ang kalidad at presyo ng bagong jeepney at kailangan ito ay akma sa pangangailangan ng publiko.

Hindi rin dapat na baguhin ang hitsura ng jeepney dahil ito ay nakataktak na sa Pilipinas na kilala sa ibayong dagat.

Tama lang imodernisa ang pampasaherong jeepney na mga luma na pero huwag naman payagan na pumapel ang ilang transport leader na lantarang nag-eendorso ng mga pamalit na bagong jeepney dahil malinaw na negosyo at pansariling interes.

vuukle comment

LUMANG JEEPNEY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with