^

Punto Mo

‘Gate crashers?’

CALVENTO FILES SA PM - Tony Calvento - Pang-masa

INILAPIT ang mukha, pinilit na tumingin sa kanyang mata at nagsimula ng magtanong ng ilang bagay si Jim Paredes sa EDSA Shrine nung ika-31 taong anibersaryo ng EDSA revolution.

May hawak na tarpaulin ang grupo ng mga kabataang kalalakihan. Tinawag niya pang duwag ang isa habang ang isa ay tinanong tungkol sa mga patayan sa bansa.

Sumagot ang lalaki na iniimbestigahan ang mga patayang ito` pero tinawanan ito ni Paredes at ‘wag daw magbulag-bulagan.

Para lang itong nandun ka sa isang party at nagdala ka ng banner na nakalagay na sa kabilang kampo ka. Hindi ba maaasar ang nagpa-party?

Sinagot pa niya ang ayon sa kanya ay mga troll na balita tulad ng pagiging Australian citizen niya.

Sa edad niyang yan dapat ay mas pinahaba niya pa ang kanyang pasensya dahil sa kanya na mismo nanggagaling na siya’y senior citizen na.

Imbes na maiwan na ang isyung ito sa pagitan nina Jim Paredes at nang grupong nakabanggaan may sumali pang iba sa isyung ito.

Si Elizabeth Oropesa na sobra raw naapektuhan sa ginawa sa mga bata. Hindi raw siya kasing galing ni Paredes sa pang-aalipusta. Hindi raw maganda at ang lumalabas ay si Paredes ang duwag.

Sinabihan pa niyang parang walang pinagkatandaan si Paredes.

Si Arnell Ignacio naman ay hinamon si Paredes na magkaroon ng one-on-one live debate.

Idiniin pa ni Ignacio na nakatayo lang naman ang mga batang yun at hindi nanggugulo sa kanilang programa.

Kung hinayaan na lang nila itong mga taong ito total naman ay nung nanawagan siya na pwedeng sumali at hindi lang ang mga dilaw. Pinaunlakan siya ng grupong ito at nagpunta sa EDSA shrine.

Ang pinagkaiba nga lang ay may sariling banner sila at may sariling pinaglalaban. Hindi mo pwedeng  basta na lang hatakin o kumbinsihin ang mga tao sa pamamagitan ng pagsigaw o pakikipag debate sa kanila.

Sa mga ganitong panahon pahabaan yan ng pasensya kung ayaw mong mauwi sa pisikalan ang dapat ay mapayapa niyong pagdiriwang.

SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal maaari kayong magtext sa 09198972854, 09051090451 at sa gustong maka-usap ako ng diretso sa 710-3618.

                Maaari din po ninyong i-like ang www.facebook.com/tonycalvento o i-type na rin ng diretso sa Facebook sa Tony A. Calvento at mag-iwan ng mensahe para sa inyong mga problema.

vuukle comment

GATE CRASHERS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with