^

Pang Movies

Enrique nagbababad na sa gym para kay Liza

PARINIG NGA! - Lanie B. Mate - Pang-masa

Thankful sina Liza Soberano at Enrique Gil dahil may kasunod agad na project na teleserye ang matagumpay nilang pelikulang My Ex and Whys ng Star Cinema na showing pa sa mga sinehan hanggang ngayon.

Masaya si Liza dahil hindi sila mababakante ni Enrique at mapapanood na sila ng kanilang fans araw-araw. Ngayon pa lang ay nagsisimula nang mag-work out si Enrique para mag-trim down ng konti ang katawan niyang medyo nanaba.

Samantala, natutuwa naman si Liza na walang sawa ang fans sa pangungulit na sumali siya sa Miss Universe na may deadline ng registration ngayong April 2017.

Talagang pinu-push ng LizQuen fans na sumali si Hope Elizabeth na tunay na pangalan ni Liza. Gusto nilang ipakita sa buong mundo ang sinasabing 8th Wonder of the World dahil sa kakaibang kagandahan at karisma ni Liza.

Pero hindi lang ang fans ang gusto siyang sumali sa beauty contest, kundi  ang kanyang papa na wish na maging beauty queen si Liza. Inamin ni Liza sa isang interview na pangarap daw talaga ng tatay niya na makitang maging beauty queen ang kanilang anak. Lalo na ang kanyang lolo na gustong sumikat at makilala sa buong mundo ang kanilang surname na Soberano.

Pero sa ngayon ay hindi pa priority ni Liza ang sumali sa beauty contest dahil pokus muna ito sa kanyang pag-aaral at career. Hindi umaalma ang fans sa desisyon ni Liza para maging ready ang kanilang idol kapag sumabak ito sa beauty contest sa future.

 

 

 

vuukle comment

LIZA SOBERANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with