^

Metro

Grenade explosion sa Maynila: 7 sugatan

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pitong magkakapitba- hay kabilang ang isang menor de edad ang nasu­gatan sa pagsabog ng gra­nada na inihagis ng isang seaman sa Crisolita St.,   San Andres, Bukid, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila at Manila Doctors Hospital ang mga biktimang sina Reyno Mijares, 63, ; Felix Cruz, 65; Leonilda Cruz, 25; Romeo Padica, 55; Jose Abelardo III, 43,; Maribeth Geronimo, 53, at Judilyn Samillano, 16, estudyante, dahil sa mga tinamong sugat sa katawan.

Bugbog sarado naman sa taumbayan at nakapiit na ang suspek  na si Darwin Hinog, 39, ng Hulo, Man­daluyong City at dating residente ng lugar na pinalayas noong nakaraang taon sa kaniyang inuupahan dahil sa paggamit umano ng iligal na droga.

Sa ulat mula sa Manila Police District-Station 6, nag­lalakad ang mga biktima sa nasabing kalye nang may biglang sumabog dakong alas-2:50  ng hapon nitong Linggo.

Nakita umano ang suspek na naghagis ng granada at tumama sa steel gate ng isang bahay at tuluyang sumabog.

Bukod sa nasugatang mga naglalakad ay nahagip din at nasira ang ilang sasakyan na nakaparada sa lugar.

Sa impormasyon ng pulisya, si Hinog ay nagtanim ng galit sa kanyang dating landlord na nagpalayas sa kanya noong nakaraang taon at nagbanta na hahagisan ng granada ang nasabing paupahan.

Nahaharap na sa rek­lamong attempted murder, attempted homicide in relation to Republic Act 7610 (Child Abuse, Serious Physical Injuries at Maliscious Mischief ang suspek.

 

vuukle comment

GRENADE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with