^

Bansa

Bangkay, lumutang sa Pasig River

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaagnas na ang bangkay ng isang lalaki nang matagpuang lumulutang sa Pasig River, sa bahagi ng Intramuros, Maynila, kahapon ng umaga.

Inilarawan ni PO2 Ryan Balatas, ng Manila Police District-Homicide Section, ang biktima ay may taas na 5’5-5’7, nakasuot ng camouflage na sando at itim na Adidas na shorts.

Nabatid na dakong  alas-7:45 ng umaga kahapon nang ma­tagpuan ang bangkay malapit sa Plaza Mexico River Bus Ferry sakop ng Intramuros.

Ayon kay PO3 ­Leandro Broas ng Phi­lippine Coast Guard (PCG), ini-report ng napadaan na tug boat  ang nakita nilang nakalutang na katawan ng tao.

Mahirap umanong makita ang anumang palatandaan kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng biktima dahil lumobo na ang bangkay at ito’y naaagnas na. Ludy ­Bermudo

 

vuukle comment

BANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with