^

PSN Showbiz

Hunk actor nagmaldito sa fans na nang-agaw ng privacy; May career din sa bashers ; Jim Paredes hinamon ng debate ni Arnell, suntukan ni Elizabeth

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nagpasalamat si Alden Richards na magaling na siya kaya nakasama ito sa Panagbenga Festival para ma-promote ang Destined To Be Yours nila ni Maine Mendoza na magkakaroon ng World premiere mamayang gabi.

Ang karosa ng Destined To Be Yours ang isa sa sobrang pinagkaguluhan kahapon. Pagkatapos ng parada ay tumuloy sina Alden at Maine sa Sunshine Park para naman sa song number nila sa Sunday PinaSaya na may live feed coverage sa Baguio.

PAK: Isang fan ang nagkuwento sa radio program namin sa DZRH nung nakaraang linggo na nasaksihan daw niya sa isang restaurant sa BGC ang pagmamaldito ng isang matangkad at hunky actor.

Kumain daw sila sa restaurant kasama ang aktres na napapabalitang karelasyon nito.

Nakasimangot daw ang aktor nang may lumapit na fans para magpa-picture sa kanila.

Ang aktres lang daw ang humarap at nagpa-picture isa-isa sa kanila.

Minsan kasi may ilang fans na hindi man lang kinu-consider ang privacy ng mga artistang kumakain sa mamahaling restaurants.

Kaya nga siguro dun sila kumakain dahil gusto nila ng privacy at makapag-date ang dalawa. Keber daw ang aktor na magmukhang suplado. Dedma raw siya sa ilang fans na gustong magpa-picture.

BOOM: Dinagsa ng bashers ang Twitter account ni Jim Paredes pagkatapos kumalat ang video ng paninigaw niya sa ilang maka-Duterte na pumunta sa EDSA People Power Anniversary celebration sa People Monument kamakalawa ng hapon.

Halos lahat sila ay isa-isang sinagot ni Jim, hanggang sa napagod na lang siya at nagpahinga pagkatapos mag-goodnight sa mga trolls na tumitira sa kanya.

Kahapon ng umaga ay nakita naman namin sa Facebook account ni Arnell Ignacio na nagbigay ng komento sa ginawa ni Jim at hinamon niya ito ng debate.

Bahagi ng pahayag ni Arnell, “EDSA has no exclusivity. Remember, you invited everybody to come. They did.

“And when you were shouting at them, they did not answer back in a fashion the same as to yours. Probably they just didn’t know how. Why don’t you take somebody will answer you back?

“Si Bruce Rivera o kaya ako, Let’s do this, live.”

Sabi pa ni Arnell nang maka-text namin kahapon, hinahamon din daw ni Elizabeth Oropesa si Jim na mag-debate rin o kahit pa raw suntukan.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with