^

Probinsiya

7 lalawigan walang kuryente

AMBOT LANG - Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
7 lalawigan walang kuryente
Umaabot sa libu-libong residente mula sa12 barangay sa bayan ng Alcala, Cagayan ang puwersahang inilikas ng mga awtoridad saka dinala sa Alcala gym bilang evacuation center dahil sa pananalasa ng bagyong Lawin kahapon.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Pitong lalawigan ang iniulat na nawalan ng supply ng kuryente dahil sa malakas na hangin na dulot ng paghambalos  ni supertyphoon Lawin sa Northern Luzon.

Saulat ng National Grid Corporation of the Philippines  (NGCP) na tinanggap ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC),  matindi ang idinulot na pinsala ni supertyphoon Lawin na ibinuwal ang mga poste ng kuryente at mga punungkahoy sa Region 1, Cordillera Administrative Region ( CAR) at sa Region II.

Kabilang sa naapektuhan ay ang mga lalawigan ng  Ilocos Norte, Apayao, Cagayan, Abra, Kalinga, Ilocos Sur, at sa Mountain Province.

Samantala, apektado rin ang iba pang mga lugar na kinabibilangan ng La Union, Benguet at sa Isabela.

Nag-landfall ang matin­ding bagyo dakong alas-11 ng gabi noong Miyerkules ng madaling araw sa bayan ng Peñablanca, Cagayan na grabeng sinalanta ng delubyo ng bagyo.

Nabatid na nagliparan din ang bubungan ng mga bahay partikular na ang mga gawa sa mahihinang materyales na grabeng sinalanta ng bagyo.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang disaster assessment ng mga opisyal ng NDRRMC at mga lokal na pamahalaan sa naging pinsala ng bagyo.

vuukle comment

NATIONAL GRID CORPORATION OF THE PHILIPPINES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with