^

PM Sports

Star Hotshots may pahiwatig

Camille L. Pateres - Pang-masa
Star Hotshots may pahiwatig

Si Blackwater import Trevis Simpson laban kai import Cimmeon Bowers ng Star. (PM photo ni Jun Mendoza)

MANILA, Philippines - Nagpahiwatig ang Star Hotshots ng planong pag-agaw ng korona sa kanilang 103-86  demolisyon sa Blackwater Elite kahapon sa pagpatuloy 2017 PBA Governor’s Cup sa Smart Araneta Coliseum.

Umiskor ng 20-puntos ang beteranong guard na si Peter June Simon  off the bench kabilang dito ang tatlong 3-pointers upang pamunuan ang Star sa 103-86 na paggapi sa Blackwater  sa una nilang laro kagabi sa 2017 PBA Governors Cup sa  Smart Araneta Coliseum.

Sinamantala ng Hotshots ang pagkaka-injured ng import ng Elite na si Trevis  Simpson upang tuluyang kumawala mula sa 75-68 na bentahe sa third quarter.

Nagtamo ng “bruised left groin” si Simpson sa  final canto, may 11:36 pang oras na natitira sa laro na naging dahilan upang ilabas sya at hindi na muling ibinalik hanggang matapos ang laro.

Mula doon,  umarangkada na ang Star na sinimulan nina Ian Sangalang at Simon para tuluyang umagwat at ganap na makontrol ang laban makaraang umangat ng 20-puntos,  99-79, mahigit tatlong minuto pa ang natitira sa laban.

Nauna rito,  hirap ang Hotshots na kumawala sa unang tatlong quarters dahil sa magandang nilalaro ni Simpson na sa kabila ng pagka-injured sa fourth period ay tumapos pang leading scorer para sa Elite sa isinalansan nitong  24-puntos at 8 rebounds.

Hindi sapat ang nakuha nilang suporta sa iba pa nilang teammates upang makaiwas na bumagsak sa ilalim ng team standings sa pagsadsad sa ikalawang sunod nilang pagkabigo kasunod ng unang pagkatalo sa Meralco Bolts.

Sa kanilang panalo, nakisosyo ang Hotshots sa Meralco at Rain or Shine sa pangatlo hanggang panglimang puwesto sa parehong 1-0 kartada habang bumagsak naman ang Elite sa ilalim ng standing kasama ang Alaska at Kia Picanto sa parehong 0-2 card.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with