^

Bansa

China, 2 beses nag-request ng research sa Benham Rise

Ellen Fernando, Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Dalawang beses na humingi ng permiso ang China sa Pilipinas para sa pagsasagawa ng research sa Benham Rise pero dalawang beses itong sinopla ng Department of Foreign Affairs (DFA).

Sa pagdinig kahapon ng Senate Committee on Economic Affairs na pinamumunuan ni Senator Sherwin Gatchalian, sinabi ni Maria Lourdes Montero, executive director ng Maritime and Oceans Affairs Office ng DFA na nag-request ang China sa Pilipinas noong 2015 at 2016.

Ayon kay Montero, hindi napagbigyan ang kahilingan ng China dahil walang isasamang Filipino scientists sa gagawing research.

Nais umano ng gob­yer­no na may Filipino sa anumang team mula sa ibang bansa na magsasagawa ng reseach sa Benham Rise.

Matatandaan na na­ging isyu ang Benham Rise matapos may maispatang barko ng China.

Inamin naman ni National Security Adviser Hermogenes Esperon sa pagdinig na mismong si Pangulong Duterte ang nag-imbita sa mga kaibigang bansa para tingnan ang Benham Rise.

Ipinahiwatig rin ni Esperon na walang masama kung mayroong research ship ang China sa Benham Rise.

“But what is really so harmful about having a research ship there? In fact we should be joining them. By provisions of UNCLOS we should actually be putting in out people there so that we will know what’s happening. These are things that we have to do, to fix,” pahayag ni Esperon.

Pero aminado si Esperon na hindi alam ng gobyerno kung ano na ang ginagawa ng mga barko ng China sa Benham Rise dahil wala namang kinatawan ang Pilipinas.

Samantala, aminado naman si Gatchalian na dapat ma-synchronize ang polisiya ng gobyerno lalo pa’t lumalabas na bagaman at pinahintulutan ni Pangulong Duterte ang China na mapasok ang Benham Rise hindi naman ito dumaan sa protocol.

vuukle comment

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with