^

Metro

3 minasaker sa QC

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Tatlong katao ang nasawi nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa loob ng isang bahay sa Commonwealth Avenue, Brgy. Old Balara, Quezon City, kahapon.

Namatay noon din ang mga biktimang nakilalang sina Robert Mago, isang alyas Anabelle at isang alyas Roy sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa kanila.

Sinasabing ang pama­maril ay naganap nang pasukin ng tatlong suspek na nakasuot ng bonnet ang na­turang bahay na sinasabing pugad ng video karera.

Ayon sa mga residente, nakarinig sila ng mga putok ng baril mula sa naturang bahay at ilang minuto ang makalipas ay agad namang tumakas ang mga salarin.

Nakarekober ang mga pulis ng walong basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Kaugnay nito, nasuga­tan naman ang isang mag- asawa na sina Leonil at Estrella Ernesto, nang barilin ng shot­gun ng isang Mando Tahil, tiyuhin ng isa sa mga napaslang sa krimen.

Sinasabing pinaghinalaan ni Tahil ang mag-asawa na ugat ng pagpaslang sa kanyang pamangkin kaya’t binaril ang mga ito ng una.

Nagpapagamot na sa ospital ang mag-asawa habang si Tahil ay nakakulong na sa Balara Police Station. 

vuukle comment

ROBERT MAGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with