^

PSN Palaro

Ginebra itinabla ang serye sa 1-1

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi sanay ang Barangay Ginebra na nagpoposte ng malaking kalamangan sa kaagahan ng laro.

At hinintay ng nagdedepensang San Miguel ang tamang pagkakataon.

Bagama’t naisuko ang itinayong 26-point lead sa second period, nakabalik sa kanilang porma ang Gin Kings sa overtime para lusutan ang Beermen, 124-118  sa Game Two ng 2017 PBA Philippine Cup Finals kagabi sa Quezon Convention Center sa Lucena City.

Itinabla ng Ginebra sa 1-1 ang kanilang best-of-seven championship series ng San Miguel, kinuha ang Game One, 109-82 noong Biyernes.

Mula sa 26-point deficit, 39-65 sa second period ay bumalikwas ang Beermen para idikit ang laro sa 82-84 mula sa ikaapat na three-point shot ni Marcio Lassiter sa huling minuto ng third quarter.

Ngunit ang pang-aasar na ginawa ni Lassiter kay Sol Mercado matapos isalpak ang kanyang tres ang nagresulta sa kanyang ikalawang technical foul at tuluyan nang pagkakasibak sa laro.

Sa kabila ng pagkakatalsik kay Lassiter ay naagaw ng San Miguel ang 99-95 abante mula sa basket ni Gabby Espinas sa 5:51 minuto ng final canto.

Isang 11-2 atake naman ang ginawa ng Ginebra para kunin ang 106-101 bentahe sa huling 2:33 minuto ng bakbakan.

Ang follow up ni Joe Devance sa pagtunog ng final  buzzer ang nagdala sa Gin Kings sa extra period, 110-110.

Matapos kunin ang first quarter, 28-20 pinalaki ng Gin Kings ang kanilang kalamangan sa 16 points, 49-33 patungo sa pagtatayo ng 26-point lead, 65-39 laban sa Beermen sa huling 1:10 minuto ng second period.

Smantala, ibabalik ng Mahindra ang athletic import na si Georgia Tech alum James White, habang ipaparada ng Meralco si Alex Stepheson para sa darating na 2017 PBA Commissioner’s Cup na magbubukas sa Marso17.

Nakikipag-ensayo na si White, muntik nang madala ang Floodbuster sa quarterfinals ng 2016 PBA Go­vernors Cup, habang dara­ting naman si Stepheson, isang all-NBA D-League First Team awardee noong nakaraang taon, sa Miyerkules.

vuukle comment

BARANGAY GINEBRA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with