^

Pang Movies

Bea at Iza iniladlad ang sex life

- Vinia Vivar - Pang-masa

Sex ang isa sa napag-usapan sa Gandang Gabi Vice aired last Sunday kung saan ay guest ang mga bida ng A Love to Last teleserye na sina Iza Calzado and Bea Alonzo.

Tinanong ni Vice Ganda kung mahalaga ba na sexually compatible sila ng partner nila at sagot agad ni Iza, “aba’y dapat.”

Say naman ni Bea, “hindi kasi, parang expression of love siya eh. So, parang siguro, importante ‘yun kasi di ba, iba-iba tayo ng love languages? There are people na that’s how they express their love or one of the ways how they express their love.”

Sabi naman ni Vice, kapag mahal mo naman ang isang tao, kahit ano lang ang gawin nila ay masaya na sila.

Agree naman si Iza at aniya, “basta sana, pareho kayo ng trip sa buhay”.

Agree rin si Bea at aniya, minsan nga, sa long distance relationship, Face Time lang masaya na.

Ang mas nakakaaliw na parte, tinanong din ni Vice ang dalawa if “size matters”.

Ang bonggang sagot ni Iza, “performance matters”. Pero agad niyang dagdag, “Charot! Hindi, love matters talaga.”

Si Bea rin aniya, performance rin daw.

Nakaaaliw lang na ang mga wholesome actress na tulad nina Bea at Iza ay game na pag-usapan ang sex. Sabagay nasa marrying age na rin naman sila at hindi naman na mga teenagers kaya hindi naman masagwa na marinig sila sa ganitong topic.

James at Nadine may intense raw na gagawin sa ending ng kanilang serye

Nalulungkot ang mga fans nina Nadine Lustre at James Reid dahil magtatapos na ang Till I Met You ngayong Friday. Some JaDine fans are asking for extension pero siyempre, mukhang hindi na mangyayari at definite na ang finale sa Biyernes.

Ang iba namang fans, say nila, ngayon pa lang ay nami-miss na nila ang buong cast. Lahat daw ng characters ay napamahal na sa kanila lalo na nga ang tatlong lead na sina Basti (James), Iris (Nadine) at Ali (JC Santos).

Ang iba naman ay humihiling na agad ng bagong teleserye sa JaDine, at new concert na rin daw.

Samantala, sa trailer ay intense ang mga eksena nina James at Nadine na ipinakikita kaya kaabang-abang ang nalalabing tatlong araw ng serye.

Nabigatan din sa singer jake nabaliw sa tikiman nila ni Angeline

“Nakakabaliw” ang deskripsyon ni Jake Cuenca sa love scenes nila ni Angeline Quinto sa pelikulang Foolish Love. And definitely, most unforgettable scene raw niya ito sa buong pelikula.

“Aside from being her first love scene kasi nandu’n ‘yung pag-aalalay, napaka-complicated ng eksena, pero ang maganda, nun’g nagawa namin ‘yung eksena, siguro, nakaka-satisfy kasi nagawa namin ‘yung eksena at na-meet namin ‘yung objective na kailangang mangyari sa eksena.

“For me, parang hindi ko ito makakalimutan sa rami ng teleseryeng nagawa ko, sa rami ng pelikulang nagawa ko, masasabi kong first time kong gumawa ng ganitong klaseng eksena at execution, so hindi ko makakalimutan. Ang tingin ko, pag pinanood n’yo ‘yung pelikula, hindi n’yo rin makakalimutan ‘yung eksenang ‘yun,” sey ni Jake.

Nang matanong naman ang aktor kung ano ang pakiramdam na makatrabaho ang isang wala pang experience sa love scenes, ayon sa aktor ay dagdag-responsibilidad daw.

“Definitely, dumagdag ang responsibilidad sa set kasi, I mean, it’s not the first time na nasabihan akong first time nilang mag-kissing scene but definitely, first time ko na mag-love scene na ganu’n kabigat ang weight ng eksenang ‘yun, na hindi talaga pwedeng dayain. We had to do it the way na maraming angles, not because may mali pero iba-ibang anggulo kasi.

“Dumagdag ang responsbilidad and I took on that responsibility coz I’m a gentleman,” sey ni Jake.

As for Angeline, ang masasabi lang niya, ibang-iba raw talaga ang love scene nila ni Jake.

“Ayokong ikwento kasi kung paano siya naging iba sa ibang mga love scenes. Siguro ‘yung kung paano ako sa love scene namin ni Jake, para pa rin akong singer, eh. May tono, ha-ha-ha!” pahayag ni Angge (palayaw ni Angeline).

“Para lang maiba,” natatawa pa rin niyang dagdag.

Foolish Love is showing on Jan. 25 under Regal Films.

vuukle comment

BEA AT IZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with