Hindi Marunong Manligaw
Dear Vanezza,
Ako po si John, 25. Wala pa po akong girlfriend. May pagkatorpe po kasi ako. Hindi ako marunong manligaw. Naiinggit ako sa mga kaibigan ko dahil may mga gf na sila at lapitin pa ng mga babae. Samantalang mas guwapo naman ako sa kanila. Ano po ba ang paraan para lumakas ang appeal ko? Salamat po & more power.
Dear John,
Hindi kawalan ng sex appeal ang problema mo kundi katorpehan. Lakasan mo ang iyong loob dahil walang mangyayari sayo kung maghihintay ka ng babaeng lalapit para ligawan ka. Alalahanin mo na may mga lalaking hindi naman kaguwapuhan pero nakakabingwit ng magagandang babae. Kadalasan mas tinitingnan ng babae ang panloob na ugali at hindi ang panlabas na anyo. Higit sa lahat, may lakas ng loob upang manligaw sa babaeng iyong nagugustuhan.
Sumasaiyo,
Vanezza
- Latest