^

Police Metro

EU pakialamero sa kaso ni Leila

Ellen Fernando, Rudy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Isang malinaw na pakikialam ang pagsawsaw ng European Union (EU) parliament sa kaso ni Sen. Leila De Lima na nakulong sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison.(NBP) na nanawagan na pakawalan ito.

“Iyon ang maliwanag na foreign intrusion.Wala silang pakialam dito sa ginagawa natin sa ating bansa,” wika ni Chief Pre­sidential Legal Counsel Salvador Panelo.

Magugunita na umapela ang EU lawmakers sa gobyernong Duterte na pakawalan na si De Lima dahil  inosente umano ito sa kasong kinakaharap bukod pa sa politically motivated lamang ang pagkakapiit sa senadora.

Nilinaw ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, nakakulong si De Lima hindi dahil sa pulitika kundi sa pagkakasangkot sa illegal drug trade sa loob ng NBP.

Maging ang Department of Foreign Affairs (DFA) ay umalma din sa tahasang pakikialam ng EU sa Pilipinas at ikinabahala ang inilabas na resolution na pumapabor kay De Lima dahil tahasang pakikialam  umano ito sa judicial system at sa legal na proseso sa Pilipinas, at ang garantiya na nakapaloob sa Konstitusyon upang maprotektahan ang karapatan ng bawat indibiduwal.

Binigyang-diin ng DFA na bagaman kinikilala nito ang “independent stand” ng European Parliament sa loob ng EU system dapat umanong pinag-aralang mabuti at hinimay-himay muna ng mga miyembro ng naturang parliament ang isyu sa kaso ni De Lima bago maglalabas ng re­solusyon.

vuukle comment

LEILA DE LIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with