Mga Machong...kinasuhan sa NBI

Noong kainitan ng isyu ng Macho Chismisan dahil sa derogatory comments nila laban kay Joshua Aquino, ang dami nang nagbigay ng opinion kaugnay dito.
Napanood ko pa sa news program na Agenda na pinag-usapan nina Korina Sanchez na dapat daw ay meron sa Kongreso na nagre-represent ng mga PWD. Sana meron daw party-list na nagsusuporta at pumoprotekta ng mga person with disability.
At meron naman pala! Kahapon, Lunes ng umaga ay dumulog sa NBI si Rep. JD Castro para pormal na isumite ang kanilang complaint laban sa grupo ng Machong Chismisan. Si Rep. JD Castro ay nagre-represent ng 1PWD Party-list. “We will always stand for the rights and the protection of the PWD.
Kaya nandito tayo ngayon sa NBI para makipag-usap sa NBI dala namin ang aming complaint/referral para sa investigation and of course the case na isasampa natin dito sa grupo ng Machong Chismisan.
“At hindi lang po sila…not only the hosts. Even the producers and the team. Kasi ang ipinagtataka namin, bakit hinayaan pa rin i-stream.”
Bilang kumakatawan sa mga PWD, hindi raw nila matanggap na tawaging “walang kuwenta” ang kanilang sector.
Karagdagang pahayag ni Rep. Castro;
“Ito nga ang gusto kong sabihin. We take this really seriously at hindi po kami aatras. Hindi kami mahina, and this time ipapakita namin na lumalaban ang mga persons with disability.”
Kahit sinabi pa nung host na meron din daw siyang ADHD, hindi raw iyun rason para palagpasin na lang at tanggapin ang kanilang public apology.
“Ang sabi niya may ADHD siya. Pero bilang isang may kapansanan, hindi mo rin karapatan na magkutya ng may kapansanan. So, hindi siya talaga reason for us para makapag-excuse ka,” ani Cong. Castro;
Fifth, lalaking-lalaki ang mga business partner
Walang pagmamaliit at parehas ang trato sa lahat, kahit sino at ano ang iyung kasarian. Ito ang naramdaman ni Direk Fifth Solomon sa mga partners niya sa negosyong itinayo nila.
Bahagi si Direk Fifth sa bagong Japanese restaurant, ang Tamako Restaurant na binuksan sa may Sct. Torillo cor. Sct. Rallos, Quezon City.
Pawang straight guys talaga ang mga kasama niyang nagma-may-ari nito. Pero ang major owners nito ay ang CEO nila na si Terence Lim at si Chef Justin Tee.
Ang isa sa kanila ay naging partner din ni Direk Fifth sa pelikulang prinodyus at dinirek niya na Lasting Moments na pinagbidahan nina Sue Ramirez, at JM De Guzman. “Mga friends ko sila sa business,” bulalas ni Direk Fifth.
“Ang maganda, mga straight sila, mga lalaki. Ako lang yung bakla.Pero nag-aano naman kami. Nagko-connect naman kami.
“Kasi natutuwa sila on how I speak ganun. Parang nagugulat sila sa bibig ko ganun.Natutuwa sila kasi mahilig din sila sa showbiz e. sa mga film ganyan,” dagdag niyang pahayag.
Kabubukas pa lang ng Tamako Restaurant, pero maganda raw ang turnout sa soft opening pa lang nila. Marami raw silang returning customers, dahil masarap naman kasi ang menu nila.
Nagpapasalamat siya dahil kahit yung first partnership nila ng isang negosyanteng kaibigan niya sa pelikulang Lasting Moments ay hindi raw sila nalugi. “So nung ginawa naming yung Lasting Moments, super happy sila.
“Actually, gusto pa naming gumawa ng another movie e. “Hindi kami nalugi. ‘Yung maka-break even ka of with what’s happening with the situation. Tapos first pa namin yun. Tapos indie lang naman kami. Hindi pa kami nakapag-partner with the super big production, super ano na kami. Thankful na,” saad ni Direk Fifth.
Natutuwa siya na kahit siya lang ang nag-iisang miyembro ng LGBTQIA, maayos at may respeto sa kanya ang mga partner niya sa negosyo.
ASAP XP at Vibe Plus, pumalo ang rating
Tumaas ang rating ng ASAP XP nang inilipat ito ng timeslot sa 7 ng gabi.
Malaking bagay rin na naglikha ito ng ingay dahil sa collaboration nila saTV5 at kabilang na sa mga nagpe-perform ang mga Star Worx artists ng Kapatid network.
Noong Linggo, October 18 ay nakapagtala ito ng 2.3 percent.
Matindi ang mga katapat nito na kung saan malakas din ang PBA Recap at PBA Game 2 sa RPTV na naka-2.3 percent din.
Ang The Voice Kids sa GMA 7 ay 9 percent.
Mataas ang viewership nung gabing iyun.
Kahit noong Sabado, October 17 ay okay din ang rating ng Vibe Plus sa TV5 na naka-1 percent.
Bihira lang ito makasampa sa 1 percent, pero siguro dahil sa maingay na rin at maganda naman talaga ang show, tumaas na ang viewership nito.
Ang katapat ng VibePlus ay ang 24 Oras Weekend na naka-5 percent, at ang TV Patrol ay 1.3 percent.
Noong Sabado rin ng gabi ay finale episode ng The People Have Spoken ni Heart Evangelista, at naka-5.8 percent ito.
- Latest



















