^

Probinsiya

Bagong silang na sanggol inabandona sa gate

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Bagong silang na sanggol inabandona sa gate
Sa report ng Cebu Provincial Police Office (PPO), dakong alas-4 ng hapon kamakailan nang madiskubre ng may-ari ng bahay ang sanggol sa labas ng gate sa nasabing lugar.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isang bagong silang na sanggol na lalaki ang inabandona sa labas ng gate ng isang bahay sa Brgy. Day-as, Cordova, Cebu, ayon  sa ulat kahapon.

Sa report ng Cebu Provincial Police Office (PPO), dakong alas-4 ng hapon kamakailan nang madiskubre ng may-ari ng bahay ang sanggol sa labas ng gate sa nasabing lugar.

Sa pahayag sa pulisya ni Norlie Maligro, may-ari ng bahay, laking gulat niya nang makita ang sanggol na nakabalot sa kapirasong damit sa harapan ng kanyang gate.

Ayon kay Maligro, isa ring eco bag na may lamang ilang damit ng sanggol ang natagpuan sa tabi nito at isang feeding bottle na may lamang gatas.

Agad na dinala ang sanggol sa Municipal Social Welfare and Deve­lopment Office (MSWDO) at matapos mai-blotter sa pulisya ang insidente.

Base sa inisyal na pagsusuri, nasa mabuti namang kondisyon ang sanggol habang maraming mga residente sa lugar ang nagpahayag na nais nilang ampunin ang munting anghel. Pero ayon sa MSWDO, may kaukaulang pro­seso sa pag-aampon sa nasabing sanggol.

CORDOVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with