^

Bansa

Opisyal puwedeng masibak sa unexplained wealth

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ang pagkakaroon ng hindi maipaliwanag na yaman ng isang pampublikong opisyal ay maaaring maging batayan para sa kanyang pagkakatanggal sa puwesto, ayon kay dating Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang nitong Lunes.

Sa ika-24 araw ng impeachment trial, nagbigay ng testimonya si Tang sa impeachment trial ni Vice Pres. Sara Duterte, kung saan iniharap siya bilang eksperto sa public accountability at mga batas laban sa katiwalian, kabilang ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, Civil Forfeiture Law, at batas na sumasaklaw sa Statements of Assets, ­Liabilities and Net Worth (SALNs).

Sinabi ni House prosecutor at Akbayan party-list Rep. Chel Diokno na iniharap ng prosekusyon si Tang bilang testigo upang mabigyan ang mga senador-hukom at publiko ng legal na balangkas kung paano sinusuri ng anti-graft court ang mga ebidensiyang may kinalaman sa mga ari-ariang nakuha ng mga pampublikong opisyal habang nasa kanilang posisyon.

“What it means is that if a public officer is found to have unexplained wealth in accordance with Republic Act 1379, that is a ground for removal or dismissal under Republic Act 3019,” ani Tang.

Kinumpirma rin ni Tang na ipinapalagay na ilegal na nakuha ang ari-arian ng isang pampublikong opisyal kung mapapatunayang nakuha ito habang nanunungkulan na hindi naman “proportion” sa kanyang suweldo bilang public officer o empleyado.

Gayunman, nilinaw ni Tang na ang presumption na ilegal na nakuha ang isang ari-arian ay hindi n­angangahulugan na awtomatiko nang guilty ang isang tao sa isang krimen.

“If it is shown that an official acquired property that is grossly or manifestly disproportionate to his salary, lawful income and income from lawfully acquired properties, it is presumed to have been unlawfully acquired. This presumption, however, is rebuttable,” ani Tang.

WEALTH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with