^

Probinsiya

2 police trainee nang-rape ng batchmate, arestado!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 police trainee nang-rape ng batchmate, arestado!
Sa report ng tanggapan ni P/Brig. Gen. Christopher Abrahano, Director ng Police Regional Office (PRO) 10, isinailalim na sa kustodya ng Misamis Oriental Police Provincial Office ang mga suspect. Sila ay iniimbestigahan na kaugnay ng paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 kaugnay ng insidente.
STAR / File

MANILA, Philippines — Dalawang lalaking police trainees ang inaresto sa Misamis Oriental matapos silang ireklamo ng rape ng babaeng kanilang batchmate, ayon sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10.

Sa report ng tanggapan ni P/Brig. Gen. Christopher Abrahano, Director ng Police Regional Office (PRO) 10, isinailalim na sa kustodya ng Misamis Oriental Police Provincial Office ang mga suspect. Sila ay iniimbestigahan na kaugnay ng paglabag sa Anti-Rape Law of 1997 kaugnay ng insidente.

Sinabi ni Abrahanao na ang mga trainees ay sumasailalim sa anim na buwang Field Training Program na itinalaga sa isang lokal na himpilan ng pulisya sa Misamis Oriental.

“PRO-10 has zero tolerance for any act of sexual violence or misconduct,” ani Abrahano na sinabing hindi kukunsintihin ang sinumang police trainees at maging ang kanilang mga tauhan na lumalabag sa batas at disiplina na mahigpit na pinaiiral sa PNP.

Samantalang tiniyak din ng opisyal na iiral ang due process sa nasabing kaso at proprotektahan ang privacy at dignidad ng babaeng police trainee.

MISAMIS ORIENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with