VP Sara inisnab unang araw ng trial

MANILA, Philippines — Inisnab ni Vice Pres. Sara Duterte ang unang araw ng impeachment trial ng Senado laban sa kanya.
Mismong ang tagapagsalita ng kanyang defense team na si Atty. Michael Poa ang nagkumpirma na hindi personal na dadalo si VP Sara sa pagbubukas ng impeachment trial nitong Lunes at sa halip ay nagpasya itong katawanin na lamang ng kanyang mga abogado. Nilinaw rin ni Poa na ang hindi pagharap ng personal ni VP Sara sa pagdinig ay hindi nangangahulugan ng pag-iwas sa kanyang responsibilidad sa bayan.
Ani Poa, matagal nang hinaharap ni VP Sara ang kanyang kaso kaya’t matagal na itong bumuo ng defense team upang dumepensa sa kanya dahil alam na niyang aabot ang ganitong pagkakataon. Kaya rin aniya naririto silang mga abogado ng bise presidente upang sagutin at patunayan na walang basehan ang mga paratang laban sa kanilang kliyente.
Nagpahiwatig din naman si Poa na maaari pa ring dumalo ang bise presidente sa mga susunod na pagdinig kung kakailanganin.
- Latest




















