^

Probinsiya

17-anyos estudyante patay sa live wire

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
17-anyos estudyante patay sa live wire
Sa ulat ng Roxas City Police, kinilala ang nasawing biktima na si Saira Lumbao, senior high school student ng Brgy. Banica ng lungsod na ito.
File photo

MANILA, Philippines — Patay ang isang 17-anyos na estudyante makaraan itong aksidenteng makuryente sa live wire sa bakod ng isang lupain sa Roxas City, Capiz, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Roxas City Police, kinilala ang nasawing biktima na si Saira Lumbao, senior high school student ng Brgy. Banica ng lungsod na ito.

Base sa imbestigasyon, nangyari ang insidente noong Sabado matapos na nasabing estudyante ay mag-jogging sa may tabing dagat at napadaan sa lugar kung saan nagpahinga ito sumandal na naupo sa tabi ng barbed wire na bakod.

Gayunman, lingid sa kaalaman ng estudyante ay may dumadaloy na kuryente sa nasabing barbed wire na bakod bunsod upang makur­yente sa kaniyang pagtayo.

Bago ito, nakita pa ang biktima na nakaupo sa tabi ng barbed wire na bakod sa lugar nang aksidenteng makuryente at magkikisay.

Sa pahayag ng mga nagrespondeng opisyal ng barangay, may dumadaloy umanong elek­trisidad sa bakod pero walang warning sign na nakalagay.

Sinisi naman ng pamilya ng biktima ang caretaker ng nasabing property sa pagkakakur­yente ng kanilang anak.

DEAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with