PANOORIN: DOE chief nilinaw ang utos ni Marcos sa systems loss
MANILA, Philippines — Nilinaw ni Energy Secretary Sharon Garin na ang nais ipatanggal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay ang systems loss charge at ang 12% value-added tax (VAT) na ipinapataw dito, at hindi ang kabuuang VAT na kasama sa electricity bill ng mga konsyumer.
Ginawa ni Garin ang paglilinaw matapos sabihin ni Marcos sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) na kailangang amyendahan ang Electric Power Industry Reform Act upang hindi na ipasa sa mga konsyumer ang systems loss, kabilang ang VAT na nakakabit dito.
Ayon kay Garin, hindi saklaw ng panukala ang 12% VAT na ipinapataw sa kabuuang singil sa kuryente ng mga mamimili.
- Latest




















