^

Police Metro

VP Sara dumalaw sa burol ng mga nasawi sa Tacloban school shooting

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dumalaw kahapon ng madaling araw si Vice President Sara Duterte sa burol ng mga nasawi ng pamamaril sa San Jose National High School sa Tacloban City upang makiramay sa mga naulilang pamilya at tiya­king maipagkakaloob ang hustisya sa mga biktima.

Dakong alas-5:00 ng umaga ay dumating si Duterte at personal na nakausap at nakiramay sa mga kaanak ng tatlong nasawi sa insidenteng ng pamamaril sa loob ng eskwelahan na ikinasugat ng 20 iba pa noong Lunes.

Tiniyak din niya sa mga ito na nagsusumikap ang mga otoridad para mabigyan ng hustisya ang kanilang mga nasawing kaanak.

Nadakip naman ng mga otoridad ang 14 at 15-anyos na mga suspek sa pamamaril na lumitaw na planado ang krimen.Kinasuhan na rin ang 15-anyos ng mga kaso.

Lumitaw sa imbestigasyon na matagal nang pinagpaplanuhan ng mga ito ang krimen bago ito tuluyang na isinakatuparan.

SARA DUTERTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with