^

PSN Opinyon

Bawat piso, may singil

ORA MISMO - Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MAGANDA ang hamon ni House Speaker Faustino “Bojie” G. Dy III sa 2027 national budget: busisiin ang bawat piso at alamin kung saan talaga napupunta. Pero sana, hindi puro salita!

Dahil para sa karaniwang Pinoy, walang pakialam ang pamilyang kapos kung bilyun-bilyon ang nakasulat sa budget. Ang gusto nila ay may makain, may gamot, may trabaho, maayos na paaralan at serbisyong ramdam.

Kaya dapat simple lang ang tanong ng Kongreso sa bawat ahensiya: Saan pupunta ang pera? Ano ang resulta? At mararamdaman ba ito ng tao?

Kung bilyon ang hinihingi, bilyon din ang dapat na paliwanag. Hindi puwedeng maganda ang proyekto sa papel pero pagdating sa barangay, wala namang makitang resulta.

At dito dapat maging matapang ang mga mambabatas. Kung may budget na malabo, himayin. Kung may ­programang paulit-ulit pero walang malinaw na bunga, kwestyunin. Kung may pondong nasasayang, huwag palampasin.

Pera ito ng taumbayan. Hindi ito baon ng gobyerno na puwedeng gastusin kung saan trip.

Ang tunay na sukatan ng “people-centered” budget ay hindi kapal ng dokumento kundi gaano karaming buhay ang gumaan.

Sa papel, may pondo para sa pagkain, edukasyon, kalusugan, trabaho, imprastraktura at disaster preparedness.

Pero ang tanong ng nasa laylayan, ‘kailan namin mararamdaman?’

Iyan ang dapat sagutin ng budget.  Dahil sa huli, hindi gobyerno ang may-ari ng perang ito.  Taumbayan ang nagbayad. Taumbayan ang dapat makinabang.  At kung may nagsayang, taumbayan din ang may karapatan maningil.

FAUSTINO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with