^

Metro

Isko nilagdaan ‘Manila Safe Schools Initiative’

Doris Franche-Borja, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Isko nilagdaan âManila Safe Schools Initiativeâ
Inilahad ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso sa mga Batang Maynila sa kanyang State of the City Address (SOCA) ang mga plano at naisakatuparang programa sa kanyang panunungkulan.
Kuha ni Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nilagdaan ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Executive Order No. 29, Series of 2026, na lumilikha sa “Manila Safe Schools Initiative” upang palakasin ang seguridad sa mga paaralan at maiwasan ang mga insidente ng karahasan.

Sa kanyang State of the City Address (SOCA), sinabi ni Domagoso na layunin ng programa na sugpuin ang mga ilegal na baril, agad aksyunan ang mga banta ng karahasan, at ihanda ang mga paaralan sa anumang emerhensiya.

“Hindi hihintayin ng Maynila na magkaroon ng trahedya bago kumilos,” ani Domagoso.

Sa ilalim ng kautusan, bubuuin ang Manila School and Community Safety Task Force na ma­ngunguna sa pagpapatupad ng mga hakbang para sa school safety, threat assessment, at emergency preparedness.

Inatasan din ang Manila Police District na paigtingin ang kampanya laban sa mga ilegal na baril at bumuo ng Threat Monitoring and Assessment Desk, habang ang Schools Division Office-Manila ay magtatatag ng School Safety and Threat Assessment Teams sa bawat distrito.

Ayon sa lokal na pamahalaan, layunin ng programa na matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral, guro, at komunidad sa pamamagitan ng maagap na pag-iwas sa karahasan at mas mahusay na paghahanda sa anumang banta o sakuna.

FRANCISCO “ISKO MORENO” DOMAGOSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with