^

Metro

Retired general nanutok sa driver

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Retired general nanutok sa driver
Ayon sa Mandaluyong Police, natukoy na nila ang pagkilanlan ng lalaki na sangkot sa viral na nangyari sa Barangay AdditionHills, Mandaluyong City noong Hunyo 17, 2026.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang nakatatandang lalaki ang naging viral ngayon sa social media matapos magkasa ng baril bago komprontahin ang isang driver na ilegal umanong pumarada ng sasakyan sa kanyang lugar, sa bahagi ng Mandaluyong City.

Ayon sa Mandaluyong Police, natukoy na nila ang pagkilanlan ng lalaki na sangkot sa viral na nangyari sa Barangay AdditionHills, Mandaluyong City noong Hunyo 17, 2026.

Isa umanong retiradong heneral ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang nakitang nagkasa ng baril sa video. Napanood na umano ang nasabing insidente savideo kaya’t iniimbestigahan na ito at nangangalap ng mga nakasaksi.

Nangatwiran umano ang suspek na papasok siya sa garahe at uminit ang ulo niya dahil naulit na naman na may pumarada sa tapat ng kanyang gate.

Gayunman, wala pang lumulutang sa Mandaluyong City Police Station para magsampa ng reklamo. Batay sa video footage, ang lalaki na nag­pakilalang “General” ay galit na nakatingin sa sasakyan at driver, habang nasa kabilang side ng kalsada, at bago tumawid ay kita ang pagkakasa niya ng baril.

Nagmura pa umano ang lalaki sa driver dahil nangangatwiran ang huli at sinasabing itinutok ang baril. 

AFP

BARIL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with