^

True Confessions

Ang Kapitbahay (114)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

HUMABA ang leeg ni Vince sa pagsilip sa bintana nang makita na may lalaking dumating sa bahay nina Margie, ilang minuto makaraang makaalis ang kalaguyong si Ram.

Ang lalaki ay may bitbit na white shopping bag. Tipong shopping bag mula sa abroad.

Lumabas si Margie at binuksan ang gate at pina­pasok ang lalaki.

Iniabot ng lalaki ang bag kay Margie. Kinuha ni Mar­gie ang bag at inanyayahan ang lalaki na pumasok sa bahay.

Pumasok ang lalaki.

Sino kaya ang lalaki?

Makalipas ang may limang minuto, lumabas na ang lalaki. Inihatid ni Margie sa gate.

Pumasok agad sa bahay si Margie.

Hula ni Vince, kasamahan ni Renan sa trabaho sa Saudi ang lalaking dumating. Ang white shopping bag ay padala ni Renan mula Saudi. Makikilala naman ang shopping bag na mula sa ibang bansa.

Kung galing kay Renan ang bag, ibig sabihin­ ay tapat siya kay Margie dahil naalalang pa­dalhan ng items mula Saudi. Kung hindi tapat, hindi na mag-aaksayang padalhan ng mga bagay mula Saudi.

Maaring nagbago na nga si Renan at iniwasan na ang mga matronang kinakalantare sa Saudi.

Tanging si Margie ang may problema. Ayaw nitong makipagkalas sa kalagu­yong si Ram.

Kawawa naman si Renan.

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with