Ang Kapitbahay (54)
NAISIP ni Vince na mabuti nga at mag-ina ang kanyang kapitbahay. Walang gulo. Magiging tahimik ang kapaligiran.
Mukhang walang pagsisimulan ng gulo sa bago niyang kapitbahay.
Naisip din ni Vince, ilang taon kaya bago magbakasyon ang mister na nasa Saudi. Isang taon? Dalawang taon?
Karaniwang dalawang taon ang kontrata ng OFWs. Pero kung maganda ang sahod ni mister, puwedeng umuwi ng yearly. Siguro ay maganda ang trabaho ni mister dahil nakakapagpadala ng balikbayan boxes. Tiyak na maraming laman ang pinadalang mga kahon—corned beef, chocolates, sabon, pabango at kung anu-ano pa.
Nang makapasok sa bahay ang anak na dalaga ay tumigil na sa pagwawalis si Vince. Dinakot niya ang mga tuyong dahon na winalis at inilagay sa basurahan.
Maya-maya, nakita niyang ang ina naman ang lumabas mula sa bahay. Naka-short at t-shirt. May dala itong walis at pandakot ng basura. Winalis ang mga tuyong dahon. Pagkatapos, walisin, dinakot at nilagay sa isang black garbage bag.
Nag-isip si Vince. Magpakilala kaya siya?
Pero hindi na pala kailangan dahil mismong ang babae ang lumapit kay Vince at nagtanong.
“Sir, anong araw po ba dumaraan ang truck ng basura?”
“Araw-araw po Mam,” sagot ni Vince.
“Salamat, Sir.” (Itutuloy)
- Latest

















