Dioscora (251)

MATAAS na ang sikat ng araw at naglalagos sa bintana nang magising si JC. Napakasarap ng tulog niya! Ngayon lang siya nakatulog ng ganoon kahimbing at kasarap. Naramdaman niyang naka-brief lang siya. Ang pagkakatanda niya kagabi, hinubad ito ni Mam Dioscora. Kung bakit suot uli niya, hindi na niya maalala. Isinuot kaya uli ni Mam sa kanya?

At nasaan si Mam? Bakit nawala sa tabi niya. Pagkakatanda niya, magkatabi sila rito sa sopa.

Bumangon si JC. Nagtungo sa kitchen. Sa mesa ay may nakahandang almusal—fried rice, scrambled egg at hotdog. Wala pang bawas. Ibig sabihin, hindi pa nag-aalmusal si Mam.

Nasaan kaya si Mam?

Hanggang maka­rinig siya ng tulo ng shower sa banyo. Nakaawang ang pinto ng banyo. Bahagya niyang itinulak ang pinto. Pumasok siya.

Nakita niyang naliligo si Mam. Naaninag niya ang hubad na katawan nito. Maganda pa rin talaga si Mam.

Tatalikod na sana nang tawagin siya ni Mam.

“JC!’’

Lumingon siya.

Nasa labas na ng tabing na transpa­rent plastic si Mam. Hubo’t hubad.

“Halika! Maligo ka na rin.’’

Itutuloy

Show comments