Dioscora (247)

(Ang babing hindi niya malilimutan)

“Hindi ka nagagalit sa akin dahil sumu­sunod ako sa utos ni SP?’’ tanong ni JC.

“Hindi. Gaya ng sabi ko sa’yo, hindi na ako maghihiganti. Ayaw kong gumanti na ikaw ang magiging kasangkapan. Kalilimutan ko na ang lahat nang mga masasamang nangyari sa akin. Masa­kit pero kailagan kong gawin—alang-alang sa iyo, JC. Ayaw kong masira ang maganda mong kinabukasan.’’

“Paano ang nangyari sa anak mo—kay Saffira?’’

“Natatanggap ko na. Siguro darating din ang araw na malalaman ni Saffira ang lahat at ba­hala na siyang magpasya. Siguro by that time, wala na ako rito sa mundo.’’

“Kalilimutan mo na lahat-lahat—pati ang mga ginawang kalapastanga­­nan s aiyo ni SP?’’

Tumango si Mam.

“Wala ka nang hangad pang gibain ang kompanya ni SP sa pamamagitan ko?’’

Tumango muli si Mam.

Namagitan sa kanila ang katahimikan.

Maya-maya, sumubsob si Mam sa dibdib ni JC. Isiniksik ang ulo.

“Ang tanging hiling ko lang sa’yo JC ay mahalin ako. Maaari mo akong mahalin?”

Nanatiling nakatingin si JC kay Mam.

Talaga kayang mahal siya ng babaing ito?

“Mahalin mo ako JC.’’

Iniangat ni Mam ang ulo at inilapit ang bibig sa bibig ni JC.

“Paligayahin mo ako JC…’’

Siniil ni Mam ang labi ni JC. (Itutuloy)

Show comments